Muli palang nagkrus ang landas ng estranged couple na sina Raymart Santiago and Claudine Barretto nitong nakaraang Friday as they celebrated the 11th birthday of their daughter, Sabina.
Sa kani-kanilang Instagram accounts, ipinost nina Raymart at Claudine ang ilang picture na kuha sa birthday party ng anak na ginanap sa kanilang school.
Makikita sa isang litrato na kuha sa loob ng classroom ang nagkahiwalay na mag-asawa kasama si Sabina at ang bunso nilang si Santino. Sa isang selfie photo naman ay makikitang nagbo-blow ng candle sa kanyang cake si Sabina.
Nilagyan ni Claudine ng caption ang isang photo ng: “Happy 11th birthday to our princess angel. You have brought to much joy to our family. We thank God for you every single day. We love you so much! We will always be here for you.”
Isang video naman ang ipinost ni Raymart sa kanyang IG account na naglalaman din ng ilang eksena sa party ni Sabina.
There were rumors na nagkaayos na sina Raymart and Claudine at balitang pinayagan na rin ang una na madalaw at makasama ang mga anak na nasa pangangalaga ng kanyang dating misis.
May nakarating sa amin na mukhang maaayos na rin ang mga kasong isinampa ng dalawa laban sa isa’t isa, at kung magkakasundo sina Raymart at Claudine sa ilang mga baga-bagay, baka nga sa settlement din mauwi ang kanilang pagtatalo sa korte.
Kung matatandaan, Claudine accused Raymart of “physical, sexual, psychological and economic” abuse na mariin namang idinenay ng aktor.
Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Raymart na siya ang biktima ng domestic violence sa kanilang pamilya. He even accused his estranged wife of being mentally ill and having a history of drug abuse.
Kung totoong nagkaayos na ang dalawa, good for them. Siguradong ang makikinabang naman diyan ay ang dalawa nilang anak.