James Yap has refused to talk about the details about the controversial “tampo” of his son Bimby. Naging mainit kasing topic sa social media recently ang pambubuking ni Kris Aquino na umiyak at sumama ang loob ng kanyang anak kay James.
In an interview, sinabi ni James na umiiwas lang siya sa gulo kaya ayaw na niyang magsalita. Ang mahalaga raw ngayon ay okay na uli sila ni Bimby at kahit paano ay naibalik na ang closeness nilang mag-ama.
Totoo rin daw na more than three months na silang hindi nagkikita at nagkakasama ng anak but he said, bumawi naman siya nu’ng nag-advance celebration sila para sa Father’s Day.
He also admitted na may ilangan factor nu’ng magkita sila uli ng anak last Wednesday pero after ng kanilang bonding ay okay na raw sila uling mag-ama.