NCR leg ng Shell chessfest binuksan

HINDI dapat sayangin ng mga batang chess players ang pagkakataong nakukuha sa paglahok sa Shell National Youth Active Chess Championships para mahubog ang kaalaman sa laro.

Ito ang sinabi ni Woman International Master Jan Jodilyn Fronda nang naging panauhing pandangal sa pagbubukas ng 2015 season kahapon sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Tinuran niya ang sarili na dumaan sa nasabing kompetisyon habang nagsisimula sa paglalaro sa chess at nakatulong ito para maabot ang kinalalagyan ngayon.

Nasa 400 ang bilang ng kasali at ang mga kategoryang paglalabanan ay ang kiddies (12-under), juniors (13-16) at senior (17-20).

Ito ang unang pagkakataon na tatlong kategorya ang paglalabanan para magkaroon ang lahat ng pagkakataon para maipakita ang kanilang mga talento.

“We have been doing changes through the years to make this event better. This year, we are holding three divisions with the objective of honing your talent because we believe in you,” wika ni Jackie Ampil, ang Shell social investment manager.

Ang NCR elimination ay magtatapos ngayon at ang mangungunang tatlong lalaking manlalaro at ang champion sa kababaihan sa bawat kategorya ay makakapasok na sa National Finals sa Setyembre 19 at 20.

Matapos ang NCR ay lilipat ang aksyon sa SM City sa Cebu City para sa Visayas leg mula Hulyo 4-5 bago sundan ng regional eliminations sa Northern Mindanao (Hulyo 18-19), Southern Mindanao (Agosto 8-9) at Southern Luzon (Agosto 15-16).

Read more...