Grabe ang pagtabo sa takilya ng launching movie nina Enrique Gil at Liza Soberano na “Just The Way You Are” , ha! Balitang naka-more than P12 million ito nu’ng first day sa mga sinehan.
Ibig sabihin talagang napakaraming Pinoy ang nahuhumaling sa tambalan ng dalawang bagets. At balita namin, napakaganda rin daw ng istorya ng pelikula kaya hindi nakapanghihinayang na panoorin.
Kasi nga hindi pilit ang kanilang tambalan, at may nagsabi pa nga na pwede silang maging next John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
MOST READ
LATEST STORIES