Vice Ganda nakiisa sa pagpapatigil ng brutal na ‘Dog Meat Festival’ saA China
PANGGULAT ang outfit ni Vice Ganda during the Pep List Year 2 Awards night na ginanap sa Solaire.
Wearing a white outfit, nabigyan ng second look ang kasuotan ni Vice dahil sa kanyang headdress na tila bungo ng isang aso.
As expected, the headdress did not come simply as it is, it has a statement.
Iyon pala ang symbolism sa bagong advocacy ni Vice Ganda, ang kanyang suporta sa pagpapatigil sa controversial Yulin Dog Meat Festival sa China. Over 10,000 dogs are killed for the festival which was dubbed as “barbaric annual meat festival”.
We read in one article the bravery of one woman named Yang Xiaoyun, 65, na bumibili ng aso para lamang mailigtas sila sa annual meat festival at dinadala niya ito sa kanyang safe house.
Marami tiyak ang napahanga sa bagong advocacy ni Vice Ganda. He has made himself relevant at hindi basta celebrity lang.
May bagong paandar itong si Kris Aquino.
She wanted to live simply. Ang gusto niya ay maging simpleng mommy lang. Chika ni Kris sa kanyang morning program, all she wanted is to be just a simple mom na walang masyadong ginagawa.
“Gusto ko nang maging mom na naghahatid sa school tapos magwo-workout, tapos magla-lunch out with friends. tapos magsusundo sa school. I want to try,” sabi ni Kris as reported by one Facebook fan page.
Ano raw? Kung iyan ang gusto mo, then leave showbiz. Marami kang drama sa buhay. Marami kang gustong gawin sa buhay. Ang solusyon diyan ay mag-resign ka sa mga shows mo para magawa mo ‘yan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.