Naintriga ang followers at fans ni Angelica Panganiban sa ipinost niyang mensahe sa Instagram na tila patungkol sa relasyon nila ni John Lloyd Cruz.
Kamakailan lang kasi ay nagdenay si Angelica na hiwalay na sila ni Lloydie at tinawag pang tanga ang nagpapakalat ng mga maling tsismis tungkol sa kanila ng boyfriend.
Sa interview ng ilang reporter sa Kapamilya actress pagkatapos ng 2015 Gawad Urian awards night, sinabi nitong isang malaking kasinungalingan ang balitang break na sila ni John Lloyd, anito, “Parang tanga lang kasi yung mga gumagawa ng ganoon.”
Pero sa IG post nga noong nakaraang araw ng nanay ni Daniel Padilla sa seryeng Pangako Sa ‘Yo, mukhang iba na naman ang tono ng aktres.
Isang larawan ang in-upload ni Angelica na may caption na: “If you got somebody who will ride through thick & thin and hold it down for you, don’t ever play them. You’ll end playing yourself.”
Inisip ng kanyang followers na baka patungkol ito sa relasyon nila ni John Lloyd. Baka raw talagang on the rocks na ang samahan ng dalawang Kapamilya stars pero patuloy lang silang gumagawa ng effort para ma-save ang kanilang relasyon.
May mga nagsabi naman na baka si Angelica lang ang umaasa na magkakabalikan sila ni Lloydie, pero ang totoo, talagang wala nang balak ang binata na ipagpatuloy ang kanilang love affair.
Well, sabi nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag, kahit na anong gawing tago mo sa isang sikreto, aalingasaw pa rin ang baho niyan. Pero tulad nga ng wish ng kanilang mga fans and friends, sana’y sa kasalan pa rin mauwi ang kanilang pagmamahalan.