Satisfaction rating ni PNoy umangat

pnoy aquino
Umangat ang satisfaction rating ni Pangulong Aquino sa isinagawang survey ng Social Weather Station ngayong buwan.
Nakapagtala si Aquino ng net satisfaction rating na 30 porsyento mula sa 11 porsyento sa survey noong Marso.
Ang net rating ay mula sa 57 porsyentong satisfied (47 porsyento noong Marso) sa kanyang ginawa at binawasan ng 27 porsyentong dissatisfied (mula sa 36 porsyento). Mayroon namang 15 porsyentong undecided.
Tumaas ang rating ni Aquino sa lahat ng panig ng bansa. Sa National Capital Region ay nakapagtala siya ng 8 porsyentong net rating mula sa 7 noong Marso.
Umakyat naman sa 30 porsyento ang kanyang rating sa iba pang bahagi ng Luzon (mula sa -3), sa Visayas ay 35 porsyento (mula sa 30 porsyento) at 39 porsyento sa Mindanao (mula sa 25).
Ang survey ay ginawa mula Hunyo 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Una itong lumabas sa BusinessWorld, ang media partner ng SWS.
Ang satisfaction rating ni Aquino ang isa sa tinitignan upang matukoy kung may magiging epekto ang kanyang pag-endorso sa susunod na pangulo.

Read more...