Mistulang kinumpirma ng isa pang survey ang pag-akyat ng rating ni Sen. Grace Poe at pagbagsak ni Vice President Jejomar Binay sa paghahanap ng publiko ng papalit kay Pangulong Aquino na bababa sa susunod na taon.
Mula sa 31 porsyento noong Marso, umakyat ang rating ni Poe sa 42 porsyento. Noong Disyembre ang kanyang rating ay 21 porsyento.
Tuluyan namang bumaba ang rating ni Binay. Sa pinakahuling survey siya ay nakapagtala ng 34 porsyento mula sa 39 porsyento noong Marso. Noong Disyembre siya ay nakapagtala ng 37 porsyento.
Pumangatlo naman si Interior ang Local Government Sec. Mar Roxas na nakakuha ng 21 poryento, umakyat mula sa 15 porsyento.
Sumunod naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 20 porsyento (mula sa 20), Manila Mayor Joseph Estrada na may 7 porsyento (mula sa 11), dating Sen. Panfilo Lacson na amy 7 porsyento (mula sa 1), Sen. Francis Escudero 4 porsyento (mula sa 8), Sen. Miriam Defensor Santiago 4 porsyento (11 porsyento), Sen.Ferdinand Bongbong Marcos 3 porsyento (7), Sen. Alan Peter Cayetano 2 porsyento (4), dating Sen. Manny Villar 1 porsyento (3), Sen. Loren Legarda 1 porsyento (1) at Sen. Antonio Trillanes 1 porsyento (3).
Ginawa ang survey mula Hunyo 5-8 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents. Unang lumabas ang resulta sa BusinessWorld, ang media partner ng SWS.
Poe nanguna rin sa survey ng SWS
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...