Makaka-jackpot ba sa lotto (2)

Sulat mula kay Rick ng Magsaysay st., Miputak, Dipolog City

Problema:
1. Matagal na akong tumataya sa mga number games pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makasapol ng jackpot kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Pinapalayas na kasi kami sa tinitirahan naming bahay dahil hindi kami makabayad sa upa. Kaya ang balak ko sana kung makakatama ng malaki-laking halaga ay ako na ang bibili ng apartment na ito na matagal ko na ring inupahan.

2. Sa palagay n’yo ay may pag-asa kayang tumama ng jackpot ang mga numerong inalagaan ko sa kasalukuyan? At sa ngayon pala ay nag-aaplay sa abroad ang misis ko bilang D.H. may pag-asa kaya siyang makaalis? December 13, 1979 ang birthday ko at August 28, 1982 naman ang misis ko.
Umaasa,
Rick ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Virgo naman ang misis mo, ang nagsasabing makapag-aabroad ang misis mo sa taong ding ito at habang siya nasa abroad, bigla kang tatama ng malaking halaga.

Numerology:

Ang birthday mong 13 at 28 naman ang sa misis mo ang nagsasabing kundi sa buwan ng Hulyo sa buwan ng Agosto bago sumapit ang kaarawan ni misis, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa kanyang karanasan. Samantala, mas madali kang makakasapol ng jackpot sa anomang uri ng number games kung sa mga petsang 5, 14, 18, 18, 20, 21, 22, 23, 24 at 25.

Luscher Color Test:

Mapalad naman ang kulay na pula, asul, at dilaw sa pagtaya sa lotto. Maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa “ukay-ukay” o sa tindahan ng mga luma o gamit ng mga damit. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng jackpot.

Huling payo at paalala:

Rick, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda ka nang tumama ng jackpot sa lotto sa suwetong panahon at pagkakataon. Habang nakasuot ka ng kulay na pula o kaya’y dilaw, sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre ngayong taon, sa edad mong 36 pataas, ay dambuhalang suwerte ang iyong maibubulsa.

Read more...