Isabelle dapat mag-sorry sa mga taga-Siquijor; Dingdong umalma

isabelle daza

Nag-react si Vice Governor Dingdong Avanzado sa nakakalokang “#SiquiWhores” hashtag ni Isabelle Daza sa photo nila noon nagbakasyon sila sa Siquijor.

“It has come to my attention that the Instagram account @isabelledaza, which appears to be owned by actress Isabelle Diaz Daza, has posted a travel photo with the hashtag #siquiWhores.

“Before jumping into conclusions, I would like to hear directly from Ms. Daza whether the offensive term #siquiWhores is a description of herself and her companion or a judgment to my beloved people of Siquijor.

“As the vice-governor of the province, I am worried on how such a foul and offensive word would damage the reputation of the Siquijodnons in the long-run.

“I believe every citizen of Siquijor deserves a clarification from Ms. Daza on the matter.#siquijor.” ‘Yan ang letter ni Vice Governor Dingdong na naka-adress kay Isabelle.

We felt na hindi naman binash ni Isabelle ang mga taga-Siquijor. Why would she do that in the first place. Bakasyonista siya roon at wala siyang motivation para gawin iyon sa mga tao roon.

We felt na she alluded to her and her female companion sa kanyang hashtag. Pinaglaruan niya ang mga salita as it perfectly rhyme with Siquijor. Ganoon lang ‘yon.

We think na dapat mag-sorry si Isabelle because many were hurt by her hashtag. Ipaliwanag niya ang kanyang side para hindi na lumala ang sitwasyon.

As we write this ay wala pang reaction si Isabelle sa kanyang Twitter account. We’re not sure kung aware ba siya about this issue. Ang maganda kay Vice Governor Dingdong ay hindi kaagad siya nag-react negatively.

Ang usual reaction kasi ng isang public official ay mag-declare ng persona non grata sanction sa isang tao na nambastos sa isang lugar. Maybe it is because he is an artist like Isabelle.

Read more...