Speaking of Angelica, siguradong super happy din ngayon ang aktres dahil sa patuloy na paghataw sa ratings game ng serye nilang Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN after Nathaniel.
Hindi pa rin ito natitinag sa pagiging number one show sa primetime sa buong Pilipinas. Tinupad ng milyun-milyong KathNiel fans ang pangako nila sa Teen King And Queen na mula simula hanggang sa ending ay hinding-hindi sila bibitiw sa pagsubaybay sa PSY.
Sabi nga ni Daniel nu’ng huli namin siyang makachika, nagsisimula pa lang daw ang kuwento nina Angelo at Yna (Kathryn Bernardo), kaya maraming-marami pang aabangan ang mga manonood.
Bukod sa magiging relasyon nila ni Kathryn sa kuwento, siyempre, kailangang tutukan din ng viewers kung ano ang nangyari kay Amor (Jodi Sta. Maria) at paano sila magkikita uli ng kanyang anak na si Yna at ng magiging mortal niyang kalaban na si Claudia Buenavista (Angelica).
Tiyak daw na kikiligin din ang mga manonood sa muling pagkikita nina Amor Powers at ng kanyang greatest love na si Eduardo (Ian Veneracion).
Pero siyempre, bago ang lahat ng ‘yan, kailangang tuparin muna ni Amor ang pangako niyang paghihiganti sa lahat ng taong nang-api sa kanya at sa kanyang pamilya.