KC inisnab ang graduation ng kapatid; Mega uhaw na uhaw daw sa publicity

sharon cuneta

HABANG nasa bakasyon abroad sina Sharon Cuneta at mga anak nito kay Kiko Pangilinan ay tunay namang puro pabongga ang mga post nila sa kanilang social media accounts.

Hanggang may isang pagkakataon na natapat yata sila sa isang convenient store na may initials na “KC”, biglang nag-post si Mega na nami-miss na nila ang dalaga.

Pero ang ending, puro negang reaksiyon na naman ang inabot ni Mega mula sa netizens na nakabasa ng naturang mensahe, lalo pa’t alam naman daw ng buong mundo na meron pa silang “silent war” na mag-ina.

Imagine, simpleng message ng pagka-miss sa anak ay kung saan-saan na naman napadpad ang isyu. Kung anu-ano nang masasakit na salita ang ibinato ng mga basher kay Sharon? Nasaan nga naman ang hustisya?! Ha-hahaha!

Kawawa rin dito si KC lalo pa’t sa hindi niya ngayon pagiging active sa showbiz ay napaparatangan pa ng kung anu-ano, na ultimo nga raw graduation ng kanyang kapatid ay ipinagpalit sa paggimik kung saan-saan.

Bakit daw parang idinadamay ng dalaga ang mga kapatid niya sa away nilang mag-ina?  At siyempre higit na kawawa si Mega dahil siya itong pinalalabas na uhaw na uhaw sa publicity at laging naghahanap ng isyu para mapag-uusapan? Kaloka talaga ang social media world, ha! Ha-hahaha!

 

Read more...