Paulo, Maja nagkadevelopan, magkasama sa inuman

paulo avelino

Uy, kapatid na Ervin, mukhang tama nga ang minsan na nating naitanong dito several issues back na may something sa “friendship” nina Maja Salvador at Paulo Avelino.

Bukod kasi sa tsikang lagi silang nag-uusap nang seryosohan sa set ng Bridges Of Love, eh may tsika pang nagsi-share sila ng baon paminsan-minsan.

May mga chika pa nga kaming narinig na mas naging close pa ang dalawang Kapamilya stars dahil sa mga “inuman session” at “friendly walks” nila kapag tapos nang kunan ang kanilang mga eksena sa Bridges Of Love. Meaning, posible ngang nagkakadebelopan na sila.

Well, mukhang bagay naman sina Paulo at Maja, at ramdam na ramam namin ‘yun at ng iba pang viewers kapag magkaeksena na sila bilang sina Mia Sandoval and Carlos Antonio sa kanilang Primtime Bida series.

 

Read more...