Mike Tan hiyang-hiya kay Gloria Romero

gloria romero

MADALAS kaeksena ng Kapuso hunk actor na si Mike Tan sa GMA primetime series na The Rich Man’s Daughter sina Rhian Ramos at TJ Trinidad, pati na rin ang mga veteran stars tulad nina Al Tantay, Glydel Mercado at Ms. Gloria Romero.

Ayon kay Mike, na gumaganap bilang isang closet gay na si Paul Tanchingco, masayang katrabaho ang buong cast ng TRMD. Feel na feel ni Mike ang kanyang role sa TRMD kaya natural na natural ang akting niya.

“Ang madalas kong kasama sa dressing room si TJ, usually mga pinag-uusapan namin tungkol sa acting, sa mga roles, sa play na ginagawa niya ngayon. Yun paano namin naa-apreciate ang isa’t isa pagdating sa pag-arte.

“Si Rhian naman, pagdating sa trabaho, she is very focused. Everytime na may eksena, inaaral niya ang character niya, nandoon talaga yun drive niya para du’n sa role niya,” sey ng binata.

Gumaganap sina Mike, TJ, at Rhian bilang magkakapatid at mga anak nina Oscar (Al) at Amanda (Glydel). Marami rin ang nakakapansin na maganda ang chemistry at dynamics nilang tatlo bilang magkakapatid at natutuwa at malaki ang pasasalamat ni Mike dahil na-a-appreciate ito ng mga taga-subaybay ng drama series.

Pagdating naman sa pakikipagtrabaho niya sa ilan sa mga tinitingala at nirerespetong artista sa industriya, maraming natututunan at masaya ang experience ng Kapuso actor. “Si Ms. Gloria talagang sobrang stunning.

Kapag umarte ka with her, mahihiya ka magkamali kasi hindi siya nagkakamali.”Si Ms. Glydel, ang galing din, para siyang robot. Kapag pinaiyak, iyak agad, ganun siya kabilis.

Si direk Al Tantay naman, very fatherly figure kapag tinitingnan mo. Everytime na kaeksena ko siya, hindi ko kailangan mag-isip masyado kasi ang maganda sa kanya, magaling siya magbigay, very generous siya pagdating sa pag-arte.

Madadala ka sa kanya,” kuwento ni Mike. Maliban sa discussion tungkol sa acting, marami ring kulitan at light moments sa set ng serye, “Ang masasabi ko talaga, sobrang cool nung group.

Pero kapag nagsimula mag-roll yun camera lahat seryoso, lahat yan 100% ang binibigay everytime.”  Huwag palampasin ang The Rich Man’s Daughter, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Let The Love Begin sa GMA Telebabad.

Kasama rin dito sina Glaiza de Castro, Katrina Halili, Sheena Halili, Pauleen Luna, Chynna Ortaleza, Luis Alandy at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon ni Dominic Zapata.

Read more...