Maagang nagka-aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) Miyerkules ng umaga.
Umabot din ng 45 minuto ang aberya dahilan para suspindihin ang biyahe mula Shaw hanggang Taft Avenue at pabalik. Alas-6 nang nagkaaberya.
Dahil dito, ang mga pasahero na patungong Makati at Taft Area ay nag-bus na lamang pagdating sa bahagi ng Shaw Blvd.
Marami ring pasahero ang maagang uminit ang ulo dahil kinailangan nilang mag-bus at tiisin ang traffic sa kahabaan ng EDSA.
Ayon sa pamunuan ng MRT, may problema nakitang problema sa riles sa pagitan ng Shaw Blvd. station at ng Boni Station.
Samantala, ayon traffic control room ng MRT, 6:45 ng umaga, naibalik sa full operation ang biyahe ng MRT.
Inayos umano ang sirang nakita sa riles sa bahagi ng Shaw at Boni Station bago tuluyang ibalik sa normal ang biyahe.
READ NEXT
Ayuda ng PhilHealth
MOST READ
LATEST STORIES