MAGANDANG araw po.
Ako po si Gng. Elsa M. Murillo ng Isabela, Basilan City. Ako ay 73 at dating elementary school teacher.
Natumba po ako kaya nagka-fracture ang aking kaliwang balakang. 17 days po akong na-confine sa Western Mindanao Hospital Zamboanga City.
Nais ko pong malaman/marinig sa inyo kung mayroon akong matatanggap sa PhilHealth. Under medication pa po ako hanggang ngayon. Hindi pa po ako makalakad nang normal. Kailangan ko po ang inyong tulong sir/madam.
Maraming-maraming salamat. Nawa’y pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.
Lubos na
Gumagalang,
GNG. ELSA M. MURILLO
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Maraming salamat sa inyong pakikipag-ugnayan sa PhilHealth.
Malugod po naming ipinapaalam sa inyo na ang PhilHealth ay nagbibigay ng benepisyo para sa mga miyembro at kanilang kwalipikadong dependent kung na-confine ng higit sa 24-oras o may ginawang operasyon sa isang PhilHealth-accredited na ospital o facility. Base sa inyong email, kayo ay na-confine ng 17 na araw sa kadahilanang may fracture sa inyong kaliwang balakang. Bilang isang miyembro ng Lifetime Membership Program, amin pong ipinababatid na kayo ay kwalipikado na makapag-avail ng ating benepisyo.
Ang benepisyo sa PhilHealth ay binabayaran sa pamamagitan ng case rate. Ang case rate ay isang pamamaraan ng pagbabayad sa ating mga miyembro na kung saan ay may nakatalagang halaga sa bawat medical diagnosis/procedure na isinagawa sa isang pasyente habang sya ay naka-confine.
Ito po ay maaaring matanggap sa pamamagitan ng automatic o outright deduction mula sa hospital bill. Bago lumabas ng ospital, isumite ang mga sumusunod sa billing section ng ospital para sa outright/automatic deduction.
Bilang isang Pensioner/Retiree o Lifetime Member:
A. Kung ang ospital ay konektado sa aming IHCP Portal (ito ay sistema upang maberipika ang membership at eligibility status ng isang miyembro):
Mangyari lamang po na magpakita ng anumang dokumento o valid IDs para maberipika ang inyong membership record
B. Samantala, kung ang naturang pasilidad ay hindi pa po konektado ng aming portal, mangyari lamang po na isumite ang mga sumusunod na dokumento:
PhilHealth Claim Form 1 (CF1); at
Kopya ng Member Data Record (MDR) o anumang dokumento na nagpapatunay na kayo ay isang miyembro ng PhilHealth tulad ng Lifetime Membership ID
Matapos nito, ang billing section ay susumahin at i-dededuct ang PhilHealth benefits sa inyong total hospital bill kasama na dito ang Professional Fee.
Para po sa iba pang katanungan maaari po kayong magsend ng e-mail sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maaari rin po ninyong bisitahin ang aming website sa www.philhealth.gov.ph
Maraming salamat po.
CORPORATE ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442