Raket ni mediaman nabulilyaso

KUNG sinu-sinong mga opisyal ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang binubulabog ngayon ng isang mediaman dahil sa kaliwa’t kanang banta sa kanyang buhay.

Hindi nakakapagtaka na maraming threat sa buhay ng mamamahayag na ito dahil sa dami ng mga taong “nabanatan” niya.

Front lamang ng “journalist” na ito ang kanyang trabaho dahil ang kanyang tunay na negosyo ay ang magpalusot ng mga kontrabando sa pier at escort service naman sa mga airport.

Malawak ang naging koneksyon ang taong ito na ang lahi ay nagmula pa sa mainland China.

Dahil sa kanyang pagiging miyembro ng media ay nagawa niyang dumikit sa ilang mga top government officials lalo na nang maging opisyal sya ng isang malaking grupo ng mga mamamahayag.

Sumasideline din ang mediaman na ito bilang public relations sa ilang politiko.

Isa sa mga naging kliyente nito ay ang isang kalahi na natalo noong 2013 election sa sa pagka-Mayor sa isang lungsod sa Metro Manila.

Nitong mga nakalipas na araw ay isa-isang naglabasan ang mga taong kanyang ginulangan sa kanyang mga iligal na gawain.

Yung iba ay nag-file sa kanya ng asunto pero ang ilan ay silent na lang muna pero ito ang mas lalong ikinatatakot niya dahil baka bigla na lamang daw siyang mag-disappear sa ibabaw ng earth.

Dahil sa mga bantang ‘yan kaya nilapitan niya ang ilang mga dating kaibigan sa Camp Crame at NBI Headquarters.

Pero sadyang inaalat ang mama dahil ayon sa ating cricket, karamihan sa kanyang mga contacts ay wala na rin sa pwesto.

Sinubukan pang rumaket ng mediaman na ito bilang PR man ng isang illegal alien na ngayon ay iniimbestigahan ng kongreso.

Ito palang si mediaman ang isa sa mga source ng info ng kapwa journalist na nasa gitna rin ng isang kontrobersya.

Nabulilyaso tuloy ang raket ng mediaman at nadagdagan pa ang kanyang problema.

Pati ang ilang mga miyembro ng media na dating malapit sa kanya lalo na noong opisyal pa siya ng isang malaking samahan ay isa-isa nang dumidistansya.

Ang natitirang opsyon na lamang nya ay tumakas at umuwi sa Mainland China para mailigtas nya sa kahihiyan at kapahamakan ang kanyang buhay.

Ang mediaman na ito na hindi na umiinom ng kape dahil sa matinding nerbyos sa katawan ay si WXYZ.

Read more...