Alfrancis Chua piniling bagong pangulo ng BCAP

alfrancis chua

ANG dating head coach ng Barangay Ginebra na si Alfrancis Chua ang napiling humalili kay Chito Narvasa bilang presidente ng Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP).

Matapos ang 17 taong paninilbihan ay bumaba sa puwesto si Narvasa noong Linggo. Siya kasi ang tatayong commissioner sa susunod na season ng Philippine Basketball Association (PBA).

“It is an honor and a privilege to be able to serve with a special group of men and women with whom I share a common bond with,” sabi ni Chua na nanalo ng Grand Slam championship bilang coach sa Philippine Basketall League (PBL) bago inihatid sa kampeonato ng PBA Commissioner’s Cup ang Ginebra tatlong taon na ang nakalipas.

Read more...