Malaki ang iniunlad ng Philippine athletics pero…

MALAKI ang iniunlad ng manlalaro ng bansa sa athletics pero sinamang-palad na mas mataas ang iniangat ng mga kalaban kaya hindi nakuha ng bansa ang target na walong ginto sa track and field event sa katatapos na 28th Southeast Asian Games sa Singapore.

“Nagulat ako sa inilakas ng Thailand at Vietnam. Ang 4x400m men’s relay, nagtime ng 3:06 na mas mabilis sa 3:09 noong nanalo sa Myanmar, nalusutan pa ng Thailand.

Si Archand Bagsit gumawa ng 46 sa heat na mabilis sa 47 plus noong nag-gold noong 2013, hindi pa nag-qualify,” wika ni athletics secretary general Reynato Unso.

Maging si pangulo ng athletics sa bansa na si Philip Ella Juico ay kumbinsido na makukuha ng koponan ang target kundi lang kinapos sa “breaks” sa laro.

Tinuran niya si Mervin Guarte na sa 800m at 1,500m events ay palaban pero kinapos lamang ng kaunti. “What can I say, we did our best. What is important is we did well and did our share to help Philippines get 29 gold medals and help the delegation settle at sixth place,” pahayag ni Juico matapos pangunahan ang pagpupugay sa mga medalista na handog ng Veloci Time, L Timestudio sa Marriott Hotel kahapon.

Read more...