PUMUTOK ang kuwento tungkol sa biglaang pagpunta ng bagong kasal na sina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa isang fastfood (na ine-endorse ni Toni) a few days ago.
Dala raw kasi ng sobrang gutom kaya wala silang choice kundi ang bumaba sa nasabing fastfood sa bandang The Fort that shocked a few customers inside.
Some found it cute pero many netizens lambasted them and called them KSP (kulang sa pansin). Isa lang daw itong malaking publicity gimmick para makakuha sila ng dagdag mileage.
At first, marami ring naglaro sa utak namin about it. We also organize events and parties – most especially in our own parties na very true that you end up gutom at hindi nakakakain the whole time dala ng pag-asikaso sa mga guests at isama pa ang stress.
Kaya we suggest na before the party starts ay nakakain ka na dahil for sure hindi mo na makuhang lumafang pag nagdatingan na ang mga bisita.
We’d like to understand the couple fully dahil nangyayari talaga sa bawat isa sa atin ang ganoong scenario. Iyon nga lang, many people didn’t take it positively – kasi nga, marami ang nabuwisit sa kadramahan ng magdyowa na inilagay pa raw sa kanilang invites na huwag ipagsabi ang real date ng kasal nila dahil sa fear na baka lusubin daw sila ng fans.
Tumaas talaga ang kilay ng karamihan, nag-feeling Sharon Cuneta at Judy Ann Santos daw si Toni sa kasal niya. Nakakabaliw nga naman ang ganoong ilusyon.
“Ilan lang ba ang fans ng Toni na iyan? Nag-feeling Superstar ang lola ninyo eh, wala naman siyang screaming fans. Mabuti kung sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang ikinasal at tiyak na dudumugin talaga – pero isa lang siyang Toni Gonzaga para magkaroon ng illusion of grandeur!” talak ng isang reporter.
Habang nagraradyo kami ni MJ Felipe sa DZMM the other night, may isa akong kaibigan sa advertising industry na nag-text sa akin at eto ang kaniyang message: “Ang info sa akin from advertising colleagues, it was supposed to be a PR for ___ (fastfood) that could have been a viral video/photo online.
Pero since there was negative feedback, hindi na itinuloy. Confidential iyan, ha.” Confidential nga sana ito kaya lang nai-broadcast kong bigla sa “Mismo” program namin sa DZMM kaya ikinuwento ko na.
Nakakaloka, di ba? Kasi nga, endorser nila itong si Toni Gonzaga and if true ito na balak sana itong gawing part ng campaign nila, talagang nagpagamit si Toni sa said company in the name of “how much?”
“Kung di ba naman siya mukhang dahtung, ang kiyeme niya ay ayaw niyang ipaalam sa fans ang date ng kasal nila, na parang gusto niyang gawing private pero nasaan ka and the day after ng wedding ay ipinalabas sa ABS-CBN ang full coverage ng kasal. For all we know, na-ex deal nila ang gagastusin sa kasal nila ni Paul.
For sure ay binayaran pa silang mag-asawa para ipalabas ito sa TV. Mga negosyante talaga, di ba? “Diyos ko Lord! Nakakaloka ang babaeng iyan, pati ang honeymoon nila sa Amanpulo, courtesy pa raw of Ninang Kris Aquino nila.
Ano na lang ang ginastusan nila? Yung over the counter na gown niya from Vera Wang? Kaloka! RTW lang naman ni Vera Wang ang nabili niya pero kung makapag-promote sila, akala mo sinukatan talaga siya ng Hollywood designer.
Hay gosh! Ikaw na ang maging Toni Gonzaga. Ha-hahaha!” ang pagtataray ng isa pang writer. How cruel naman of you. Don’t be too hard naman on her. I-congrats mo na lang sila sa kanilang kasal.
Hayaan mo na lang silang mag-trip hangga’t gusto nila. Baka nagseselos ka lang at kay Toni napunta ang crush mong si Papa Paul. Hayaan na, let’s wish them wel na lang, puwede? Baka magalit sa iyo sina Mommy Pinty and Daddy Carlito.
Mabait naman ang mag-asawang ito. Ha-hahaha!