Mas mahalaga kay Juday ang anak kesa sa pera

judy ann santos

Yes, shelved talaga ang lahat ng natanguan sanang projects ni Judy Ann Santos mula nang ma-confirm that she is pregnant with her second biological baby.

Ang saya-saya raw ng aura ni Juday lately, ang gustung-gusto niyang gawin ngayon ay mamili ng kung anu-anong pagkain at prutas na makita niya. And take note, panay din ang paluto niya kay Mommy Carol ng kung anik-anik. Ano ba iyan, Juday! Baka lumobo ka naman nang husto niyan.

Marami ang nanghihinayang na hindi na niya magagawa ang pagsasamahan sana nilang teleserye ni Richard Yap sa ABS-CBN. Sayang daw ang kikitain sana ni Juday. But you know, hindi naman kayang tumbasan ng salapi ang kaligayahan ng isang tao.

And besides, may ipon na naman si Juday para kayaning tumanggi sa mga proyekto sa mga panahong ito, kasi nga, she has always dreamt of another baby.

At maselan daw kasi itong magbuntis kaya she had to give up everything muna hanggang sa makapanganak siya.Hula naman ni Mommy Carol, sa New Zealand gawa ang baby dahil nagbakasyon daw ang mag-asawang Juday and Ryan doon last April.

Congrats, Juday dear. Sana baby girl na ito this time para kumpletos-rekados ka na. Mwah!

Read more...