Regine di maramot, matulungin sa baguhang artista at singers

regine velasquez

Nu’ng isang araw (Sunday, June 14) nag-kickoff ang “Regine Series” (with Regine Velasquez) mall shows for PLDT Home. Ang unang pinagtanghalan nito ay Robinson’s Magnolia sa Aurora Blvd., Q.C.

Naging guests ni Regine ang tatlong impersonators niyang sina Regina Otek, Ate Redj and Anton Diva na nag-birthday nu’ng mismong araw na iyon.

At dahil idol niya si Regine, mas minabuti niyang makapiling ang Songbird sa event nito kaysa magpa-party. And Regine’s very special guest for this event (actually sa lahat ng mall show series niya) ay ang baby nating si Michael Pangilinan na nakasama na rin ni Regine sa Kuala Lumpur, Malaysia last December for a Gabay Guro event ng PLDT.

Michael sang three songs on minus-one just right before Regine came in with her full band. Sa tuwa ni Regine sa ganda raw ng boses ni Michael ay meron siyang request na sa susunod na mall shows niya, ipasok daw si Michael sa main part ng performance niya as her special guest.

Gusto niyang tugtugan ng banda niya si Michael at magkaroon sila ng duet. “Nakaka-flatter naman si Ate Regine. Hindi naman kami front acts niya sa mall shows niyang ito, guests naman talaga kami, eh.

Kaya lang, you know naman sa malls, ang star of the show comes last, di ba? Pero para i-consider niya akong ipasok sa mismong part niya, nakaka-proud. Kahit malaking star siya ay very supportive sa mga baguhang tulad ko.

“Kaya hindi ko makakalimutan ang malungkot na experience ko long time ago, nu’ng bago-bago pa lang ako at kinuha akong mag-guest sa isang show sa MOA Arena.

Gusto pala sana ng producer ng show noon na mag-duet kami ng lead singer ng concert pero tinanggihan niya ako. Hindi naman sumama ang loob ko, instead I took it as a challenge para iparamdam sa kaniya na magpapatuloy naman ang singing career ko kahit hindi kami mag-duet for life. Ha-hahaha! Joke lang.

“Pero totoong nangyari iyon. Tingnan mo nga si Ate Regine, di hamak na mas sikat sa kaniya pero supportive sa mga maliliit na singers like us. Kaya ganoon na lang ang appreciation ko when she requested na mag-duet kami at doon ako mismo sa ng portion niya magpe-perform,” ani Michael.

Konting tiyaga na lang anak at mararating mo na rin ang miminithi mo. Just keep on working hard and continue to pray that you will be blessed pa with good opportunities.

Continue that attitude na hindi mapaghiganti, na cool ka lang palagi. Basta ba patuloy kang nakakapagpasaya ng audience mo ay okas na iyon. Deadma na lang sa nega.

Sa genre nila, Michael, if I may say, is the busiest of them all. Meron siyang ginagawang stage musicale ngayon – ang “Kanser @ 35” ng Gantimpala Theater Foundation as he plays the lead bilang Crisostomo Ibarra; he is doing the PAGCOR tour starting this July; he is finally shooting for his first and solo movie “Pare, Mahal Mo Raw Ako” to be released by Star Cinema; lalabas na ang second album niya under Star Music and he is preparing for his “Kilabot” concert sa Music Museum on Aug. 29.

Marami pang naka-line-up na big events kay Michael kaya abangan na lang po. Congrats sa iyo anak and good luck na rin.

Read more...