Kisame ng Cinema 5 ng Ayala mall sa Cebu gumuho, 6 sugatan

SUGATAN ang anim katao nang gumuho ang bahagi ng kisame ng isa sa mga cinema sa Ayala Center  sa Cebu City Lunes ng gabi.

Ayon kay  Atty. Jeanette Japzon, corporate communications manager para sa Ayala Land Inc/ Cebu Holdings,  isa sa mga nasugatan ang isinugod sa ospital habang nagamot naman agad ang limang iba pa sa mall, at pinauwi na rin.

Nagtamo umano ng mga galos at hiwa ang mga biktima, ayon kay Japzon sa isang panayam sa telepono.

Gumuho ang bahagi ng kisame ng Cinema 5 alas 8:50 ng gabi, Lunes, habang may private screening.

“That was a special screening, a block screening… I have yet to confirm what company rented it out, but were confirming that it was a private affair,” ayon kay Japzon.

Bahagi umano nang gumuhong kisame ay “acoustic”.
“It’s actually a ceiling, pero ‘yung material niya is not cement, it’s not cement,” paliwanag pa ng abogado.
Madali namang nagsisugod sa mall ang iba’t ibang rescue units kabilang na ang Bureau of Fire Protection, na habang isinusulat ang balitang ito ay nagsasagawa pa ng operasyon at imbestigasyon.
Hindi naman umano naapektuhan ang operasyon sa ibang cinema.

 

READ NEXT
Mga epal!
Read more...