NASA itinangging ang pabalik na spacecraft ang naging sanhi ng plane crash sa Sultan Kudarat
ITINANGGI ng National Aeronautic and Space Administration (NASA) na ang satellite nito, na nakatakdang pumasok sa Mundo ngayong araw ang siyang sanhi ng misteryosong plane crash sa Sultan Kudarat noong Linggo.
Ito’y matapos ipost ng Lebak Municipal Disaster, Risk Reduction and Management Office kahapon sa Facebook page nito na nakarating na ang mga pinagsanib na search at rescue team sa mga bundok ng Lebak at sa barangay Salumping sa kalapit na bayan ng Esperenza, ngunit wala namang natagpuang bakas ng pagsabog.
Sinabi ni Capt. Jo-Ann Petinglay, tagapagsalita ng 6th Infantry Division na muling lumipad ang mga helicopter ng militar kahapon ngunit wala namang natagpuan ang Philippine Air Force.
Idinadagdag nig mga otoridad na ilang residente ang nag-ulat na nakakita sila ng isang eroplanong na nasusunog na bumulusok mula sa kalangitan ganap na alas-11 ng umaga noong Linggo.
Ayon pa sa mga residente, nakarinig din sila ng napakalakas na pagsabog.
Samantala, iginiit naman ni J.D. Harrington, ng Office of Communications ng NASA na hindi ang satellite nito na Tropical Rainfall Measuring Mission (TRMM) ang naging sanhi ng pagsabog dahil nasa orbit pa ito kahapon.
“TRMM is still in orbit. It is not possible that TRMM is the source of this event,” sabi ni Harrington. Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.