Selos ka ba Angelica: John Lloyd, Bea sweet na sweet sa Spain

john lloyd cruz

Parte kaya ng promo nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na kasalukuyang nasa Spain ngayon para sa isang show na sumabay pa sa pagbuo ng isang libro na may titulong “One More Chance” ang balitang naghiwalay na raw sina Lloydie at Angelica Panganiban?

Pero kinlaro naman ito na mga taong malapit sa dalawa na hindi raw totoong nag-break na ang dalawa, pero totoong nagkaroon daw ang mga ito ng tampuhan tulad ng normal na pinagdaraanan ng mga magkarelasyon.

Nakita namin ang mga litratong naka-post sa Instagram account ng handler ni Bea na si Monch Novales at halatang-halata ang kaligayahan ng “One More Chance” stars na sina Popoy at Basha at bagay na bagay pa rin sila, in fairness.

Kung sakaling parehong single ang dalawa ay iisipin mong may namamagitan sa kanila base sa mga litratong nakita namin. O, baka dahil dito kaya naapektuhan si Angelica at nagselos? Sabagay, kaselos-selos naman talaga si Bea, di ba?

Mabuti na lang at loyal si Bea kay Zanjoe Marudo kaya walang dapat ipag-alala si Angelica na baka ahasin ng dalaga si Lloydie sa kanya.

Read more...