Cesar tsinugi sa pelikula ng Iglesia ni Cristo, pinalitan ni Gabby

cesar montano

TULUYAN nang pinalitan si Cesar Montano para sa proyektong “Sugo” na kwento ng ilang henerasyon ng mga namumuno sa Iglesia ni Cristo. Ibinigay na ang role ni Cesar kay Gabby Concepcion at inaayos na ang schedule nito to shoot the film.

Supposed to be pala ang production din ng “Sugo” ay ang production team ni Cesar at ng mga taga-INC. But now, nasa Viva na pala ang buong pelikula. And since, may kontrata rin naman si Gabby sa Viva Films kaya siya na ang ipinalit kay Cesar sa lead role.

After ng movie ni Gabby with Kathryn Bernardo and Daniel Padilla sa Star Cinema, natengga sa pag-arte ang ama ni KC Concepcion. But nonetheless, rumaraket naman nang pagkanta-kanta si Gabby sa iba’t ibang bansa.

In fact, kagagaling lang daw nito sa kanyang series of shows sa Europe. Malalaki na rin ang dating mga baby ni Gabby sa kanyang misis na si Genevieve “Ginbee” Yatco Gonzales na sina Samantha Alexis born in 2008 and Savannah in 2012.

Parang mga anghel ang mukha nina Sam at Vannah.Between the two girls, si Vannah raw ang posibleng sumunod din sa daddy niya and ate KC sa showbiz.

Makarisma at hindi raw mahiyain si Vannah. Payag naman pareho sina Gabby at Ginbee na pasukin ni Vannah ang showbiz. But for the meantime, sa commercial daw muna ang dalawang tsikiting ni Gabby.

Happy ang family life at career ni Gabby ngayon. He’s also a successful businessman. Bongga raw ang itinayo niyang resort sa Lobo, Batangas especially nitong nakarang summer vacation.

Lagi raw puno ang resort at ‘di nawawalan ng guest. Ibinenta na ni Gabby ang kanyang pag-aari sa Anilao, Batangas kung saan madalas niyang dalhin noon si KC. Pero kapalit nito ay ang binili niyang lupa sa Lobo, Batangas.

Read more...