Anak na mag aahon sa kahirapan sa kanilang pamilya

Sulat mula kay Karen ng Purok 4, Norte, Don Carlos, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Kasalukuyan akong nag-aaral ng Accountancy kaya lang mukhang mahihinto na ako pagkatapos ng sem na ito, kasi bukod sa humina ang kita ng tatay ko sa kanyang pinagta-trabahuhan, nagkasakit pa ang nanay ko at kailangan ang anim na buwang gamutan. Sabi ng tatay ko pag gumaling na lang daw ang nanay ko saka ako uli ako mag-aral. Pero pinilit pong mangutang ng nanay ko at napautang naman siya kaya nakapag-enrol ako nitong pasukan. Pero hindi ko nga malaman kung makakatapos parin ako kasi nga po marami parin ang gastos sa araw araw kong pag-aaral. Balak kong humito muna at mamasukan bilang katulong o kaya’y tindera at huwag na lang akong magtuloy sa pag-aaral, kaya lang nakapag-enrol na nga po ako? Ano po ba ang maganda kong gawin, ituloy ko na lang ang pag-aarl o huminto na ako habang hindi pa gaanong regular ang klase? November 26, 1998 ang birthday ko.
Umaasa,
Karen ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at matayog naman ang Fate Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda ay malinaw na tanda na hindi ka mahihinto sa iyong pag-aaral, kahit na magkautang-utang pa ang iyong mga magulang. At sa sandaling nakatapos ka ng education, malamang na ikaw ang isa sa mga anak na mag-aahon sa kahirapan sa inyong pamilya.
Cartomancy:
Ace of Diamonds, Five of Hearts at King of Diamonds ang lumabas ((Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi ka mahihinto ng pag-aaral, at sa sandaling nakatapos ka ng Accountancy, malaki ang posibilidad na maging CPA ka at makapag-asawa ng kapwa mo rin CPA, na sa bandang huli, tulad ng nasabi na Palmistry, ikaw ang kaisa-isang anak na nakatakdang mag-ahon sa inyong pamilya sa kahirapan.
Itutuloy….

Read more...