AKO po si Antonio Mata
ay lumiham sa inyon dito sa Aksyon Line upang hingin ang inyong tulong sa problema ng aking anak na lalaki na sa Joey C. Mata, edad 38.
Si Joey po ay natapos ng pagkapastor sa born again Christian, ngunit siya po ay nakapagturo sa isang private school, ang Brimstone Academy dito sa Brgy. San Simon, Dasmarinas City ng mga subject na history at Christian values sa loob ng 10 taon.
Ngayon po si Joey ay nawalan na ng trabaho dahil po malabong-ma-labo na ang kanyang paningin. Hindi na po siya makalakad na walang alalay. Hindi na rin si Joey makasulat o makapagbasa. Kaya sa tingin ko wala na siyang pag-asa.
Kaya ma’am minabuti ko na ilapit itong problema ni Joey sa iyo upang madala sa atensyon ng ECC dahil si Joey po kinaltasan ng monthly SSS Contribution ngunit ng aming i-verify sa SSS ni isa ay walang nai-remit mula sa mga kinaltas sa kanya. Ang masakit po bankrupt at sarado na itong nabangggit na Brimstone Academy kaya wala na kaming mahabol pa. Nasaamin po ang resibo na kinaltas sa sweldo ni Joey.
Salamat po
Guamagalang po,
ANTONIO R. MATA
REPLY: Maraming salamat, Ginoong Mata sa inyong liham.
Inilapit po namin ang inyong concern sa ECC.
Narito po ang kanilang tugon:
1. On non-remittance of SSS contribution:
Kindly bring the same to the attention of the SSS. Bring your receipts/pay slips showing the salary deductions for SSS contributions.
If warranted, file the affidavit of complaint against the owner/s of Brimstone Academy before the SSS
2. On visual impairment
EC disability benefits may be granted if the working conditions of Joey increased the risk of contracting the same.
Claim for EC disability benefits may be filed at any SSS branch nearest to your place of residence.
Salamat po.
Ms. Cecille Maulion
Employees
Compensation
Commission (ECC)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.