MADLANG PIPOL INIP NA INIP NA SA PAG-ALIS NI KRIS SA PILIPINAS

kris aquino

Sa isang pinuntahan naming selebrasyon ay maraming nagtanong sa amin kung kailan ang alis ni Kris Aquino para manirahan na sa ibang bansa kasama ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Iba ang naramdaman namin sa paraan ng pagtatanong ng aming mga kausap, parang inip na inip na ang mga ito sa pag-alis ni Kris, parang kung sila ang tatanungin ay kailangang ngayon na agad-agad mag-alsa-balutan ang aktres-TV host.

Madaling intindihin ang ganu’ng reaksiyon, ilang ulit na kasing ipinangangalandakan ni Kris na maninirahan na siya sa Amerika, pero wala namang natutupad sa kanyang mga sinasabi.

Kaya ngayong sinabi na naman ni Kris na gusto niyang manirahan na sila ng kanyang mga anak sa susunod na taon sa bansa ni Uncle Sam ay parang wala nang may gustong maniwala sa kanya.

Sabi nga ng isang kaibigan naming naiinis sa ganu’ng ugali ni Kris, “Naku, e, sa sampu niya namang sinasabi, e, isang dosena ang mali!”

Nakalulungkot ang ganu’n para kay Kris. Baka kasi dumating ang takdang panahon na totoong-totoo na ang kanyang mga sinasabi pero wala nang dating ‘yun sa marami.

Wala nang may gustong maniwala sa kanya dahil puro kuwento lang namang walang kuwenta ang mga pinagsasasabi niya.

Sa totoo lang.

Read more...