Walang grand celebration sa debut ng Kapamilya princess na si Liza Soberano sa Jan. 4, 2016.
Ito ang sinabi ng ka-loveteam ni Enrique Gil sa pelikulang “Just The Way You Are” ng Star Cinema nang tanungin kung ano ang plano niya sa kanyang upcoming debut at kung si Enrique ang magiging escort niya.
“Actually, wala po akong debut…napag-usapan po namin ng manager (Ogie Diaz) ko na hindi na lang ako mag-de-debut, kasi parang hindi ko rin po kaya ‘yung gano’n kalaking parties,” ani Liza.
Sey pa ng Kapamilya young actress, mas gusto niya raw ng isang simpleng selebrasyon sa ibang bansa. Ito’y sa kabila nga ng offer ng Star Magic na sila na ang bahalang mag-organize ng kanyang debut party.
Pero sey ni Liza, “I’m shy. Na-i-stress po ako pag ganu’n, e!” Kung matatandaan, ang Star Magic din ang namahala sa mga bonggang debut ng ilang ABS-CBN teen stars tulad nina Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Julia Montes at Jane Oineza.