KASAL NINA TONI AT PAUL ‘NEGA’ ANG DATING SA MADLANG PIPOL

ton paul

YES, natuloy ang kasal nina Toni Gonzaga at Paul Soriano sa isang church sa Taytay, Rizal, ang hometown ng mga Gonzaga. Napakaraming ka-echosan ang pinagdaanan ng kasalang ito.

Ang una ay noong previous announcement nila na June 12 ang kasal nila, but days after ay binawi nila ito at sinabing it will be moved to another date na hindi pa nila batid kung kailan.

Until it floated lately na tuloy pala ang wedding kahapon (June 12), pero sa last minute news nila ay hindi pa raw confirmed. Pero ilang araw bago ang kasal, nabalitang namigay na sila ng imbitasyon pero nakasaad daw sa invites na huwag ipagsasabi sa iba for fear daw na baka ito’y dumugin ng fans.

Fans? Anong fans ang pinagsasabi nila? Yes, she may have followers pero hindi naman yung tipong manggugulo or magkakagulo sa labas ng simbahan kung saan sila ikinakasal – hindi naman siya si Anne Curtis or si Kathryn Bernardo na posible pang dumugin ng fans kapag ikinasal.

Gosh naman, Toni! No offense meant pero hindi ikaw ang tipo ng moviestar na pagkakaguluhan. Hindi na ito panahon nina Sharon Cuneta na talagang dadayuhin ng fans para masilip man lang. You are not in that league, honey!

Nakakaloka dahil ilang beses nilang nilito ang public tungkol sa date at venue ng kanilang kasal. Nag-iilusyon yata talaga si Toni Gonzaga na siya’y very big star na lulusubin ng milyon-milyong fans – na worth the gatecrash.

Ano kaya ang nakain ni Toni para linlangin ang publiko? Ibang uri ng illusion of grandeur, ‘no? Hay naku, hayun at natuloy din pala ang kasalan na parang wala lang.

Pilit actually ang media mileage ng wedding – assigned by ABS-CBN ang TV shows na magku-cover para masabi lang na meron ngang coverage kumbaga pero hindi ito big deal para sa sambayanang Filipino, ‘no!

In fact, mas excited pa ang mga baklitang makita ang kaguwapuhan ni Paul Soriano who’s oozing with sex appeal – not Toni na slightly cross-eyed huh! Sana bawasan naman niya ang ilusyon niya that she’s super-sikat or what. She’s popular yes pero hindi yung tipong pagkakaguluhan on any occasion – not even on her wedding day.

“Korek! Ano ang akala ni Toni sa sarili niya? Ka-level ni Judy Ann Santos? Na siya si Brooke Shields? Huwag nga siyang mag-ilusyon! Dapat doon ay wala nang P.S. sa invites niya na huwag ipagsabi ang details sa kanilang kasal.

Walang interesado sa wedding niya, ‘no! Para na rin siyang publicist actually ng sarili niya, para magmukha siyang big star kaya may ganoon siyang drama.

“Siya lang ang nag-iisip na big star siya pero sa totoo lang, she doesn’t even matter sa industry na ito. She’s just one of them,” pagtataray ng isang kaibigang writer na walang kasing-maldita.

I agree. Ganoon lang dapat iyon. Wala ng ganitong ka-echosan. Sensiya na po Mommy Pinty and Daddy Carlito pero people just found it off for her to mislead the public about this occasion.

Hindi naman kasi sila talaga intersadong mag-gatecrash. They’d rather sleep tight kaysa sumugod doon. They may just be interested na panoorin ang coverage nito para malaman kung maganda ba ang suot niyang gawn, kung guwapo ba si Paul sa look niya at kung sinu-sino ang mga guests.

Pero yung para ikamatay nilang hindi makapunta sa kasalan, that’s the height of pagiging ilusyunada.

 

Read more...