Kalayaan sa mata ng mga artistang Pinoy

MINSAN na ring binawian ng karapatan ang mga Pinoy para sabihin at gawin kung ano ang kanilang gusto. Nawalan na rin tayo ng karapatan na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.
Pero dahil sa nga sa angking katapangan ng ating mga bayani ay naibalik ang kalayaang inagaw sa atin. Ngayong Araw ng Kalayaan, ilang Kapuso artists ang nagbahagi ng kanilang saloobin kung paano nila pinahahalagahan ang independence o ang kanilang kalayaan lalo na ngayong internet age kung saan napakahalaga ang paggamit ng social media.
Ang tanong: Paano mo ginagamit ang kalayaan o freedom mo?

MIKAEL DAEZ

Just being happy with what I have. Living in the moment. Whatever’s in front of me, that is what God gave me, or that’s what’s God giving me at the moment so just be happy with that.

MIKOY MORALES

I make sure that I am responsible for all my posts. Yung hindi lang ako basta nagtu-tweet, or basta lang nagpo-post. Think before you click. Although nagra-rant pa rin ako na parang sinasabi ko pa rin yung totoong nararamdaman ko, I make sure na hindi siya makakaapekto ng masama sa ibang tao.

JULIE ANNE SAN JOSE

There’s a fine line between having a private and public life, ‘di ba? So, syempre, bilang celebrity, you have to be cautious and responsible sa kahit anong gagawin mo or sa kahit ano mang sasabihin mo sa ibang tao kasi ikaw, nilu-look up to ka ng mga tao.
What if biglang may negative connotation pala sa kanila, or naka-offend yung sinabi mo sa kanila nang hindi mo alam, or na hindi mo naman sinasadya talaga. So, I think I just try to be responsible.

CHARIZ SOLOMON

Hindi na ako masyadong nagpo-post. Nagpo-post ako sa Instagram, kapag sa tingin ko nai-inspire ko yung ibang mommies at ibang bata sa relationship ko with my family. Sine-share ko din yung mga kailangan ng help.
Lalo na ‘pag mga babies talaga, yung mga baby na may sakit, especially yung mga nanay na na di-discriminate sila in public sa breastfeeding without cover. Siguro maganda ring magamit ‘tong freedom na ‘to para ma-educate ang mga tao na yung breastfeeding hindi siya malicious na gawain. It’s natural, it’s biblical, it’s the will of the Lord.

SEF CADAYONA

Siyempre public figure tayo, example at inspiration kami sa televiewers. Kailangan ang ipapakita naming laging good qualities especially for the younger generation.

GABBI GARCIA

I exercise my freedom by saying and doing what I believe is right.

KRIS BERNAL

I exercise freedom by being affectionate and expressive of my love for my family. Sila talaga ang pinakamahalaga.

Read more...