Boy Abunda, Aiza Seguerra isusulong ang LGBT talks

PAREHONG  suportado ng King of Talk na si Boy Abunda at Aiza Seguerra ang LGBT community. Mukhang may mga speaking engagement pa yata sila na gagawin sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Natanong tuloy namin si Kuya Boy kung ano ang stand niya sa pagbabagong-anyo ng Olympian gold medalist na si Bruce Jenner na nagpakilala ngayon bilang si Caitlyn.

Sa lahat ng mga nasabi about Caitlyn ang pinupunto lang ni Kuya Boy ay ang lakas ng loob ng dating Olympian na kahit 65 years old na, e, pinraktis pa rin niya ang kanyang right na gawin ang bagay na gusto niyang gawin. That’s empowerment, according to Kuya Boy.

Pero nilinaw ni Kuya Boy na iba ang transgender sa gay at iba pa rin ang transvestite sa LGBT community na ina-advocate nila. Then, inesplika ng TV host ang pagkakaiba ng transgender, transvestite at gay sa konspeto ng LGBT community.

Napakalawak pala ng usapin tungkol diyan. Bigla tuloy kami nagkaroon ng LGBT 101 class kay Kuya Boy. Ha-hahaha! Kaya ipupursige nga raw nila na magkaroon ng mga discussions pa about LGBT sa publiko para mas klarong maintindihan ang pagkakaiba-iba ng mga taguri sa mga nagkakaroon ng identity/gender crisis.

Sa usapin naman na may na-offend si Sen. Tito Sotto sa binitiwan niyang comment tungkol sa isang closet lesbian na nag-ask ng advice sa isang portion ng Eat Bulaga, hindi klaro kay Kuya Boy ang buong pangyayari para sabihin ng host ng noontime show ang mga sinabi niya na ikina-offend ng ilang gay at nai-post sa social media.

Maraming factors para makapagbigay din daw siya ng opinion tungkol dito lalo pa’t may na-offend na belong sa LGBT community.

Read more...