Watawat sa mga uniporme ng mga atleta ng PH baligtad

Ang nakabaligtad na watawat sa uniporme ng mga atletang Pinoy.

Ang nakabaligtad na watawat sa uniporme ng mga atletang Pinoy.


NAKABALIGTAD ang bandila ng Pilipinas sa ilang uniporme ng mga atleta ng bansa na lumalaban sa Southeast Asian (SEA) Games sa Singapore.
Sinisi naman ang kapalpakan sa supplier ng mga uniporme ng mga atletang Pinoy.
Kabilang sa baligtad ang watawat ay ang unipormeng suot ng Filipino-American (Fil-Am) na sina Eric Cray at Kayla Richardson, na kapwa nanalo ng gold noong Martes.
Makikita sa suot na uniporme nina Cray at Richardson na nasa itaas ang pula at nasa ilalim naman ang asul. Nangangahulugan ito na nasa giyera ang bansa.
Sinabi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na kampante ang Malacanang na agad na masosolusyunan ang problema sa baligtad na mga watawat ng Pilipinas.

β€œIt must have been an oversight, which I am certain they will correct once brought to their attention,” sabi ni Valte. AFP

Read more...