Juday buntis na uli

 

 

MAGIGING kuya na si Lucho.

Iyan ang pagmamalaking sinabi ni Ryan Agoncillo nang kumpirmahin niya na buntis na muli ang misis niyang si Judy Ann Santos.

Sa programa sa Eat Bulaga Miyerkules ng hapon nang ibalita ni Ryan na nagdadalang-tao na muli ang misis.  Buong-tuwang ipinakita pa ng tv host ang ultrasound result ng asawa.

Bago ito, nag-post din si Ryan sa kanyang Facebook at Instagram account ng ultrasound image ng kanilang bagong magiging baby.  May hashtag ito na #kuyanasilucho.

May dalawag anak ang mag-asawa, ang kanilang biological son na si Lucho at adopted daughter na si Yohan.

Sa isang larawan na nakapost din sa Facebook account ni Ryan ipinakikita nito si Lucho habang nakayakap sa tiyan ng ina.

 

Read more...