KAMING may mga pangalan sa ibaba ay taos pusong bumabati sa inyo ano mang oras na mapasakamay mo itong sulat namin.
Malaking problema para sa aming mga taga Cotabato City na siya naming hinihingi ng tulong sa mga staff ng Bandera lalung-lalo na sa iyo. Ito po ay tungkol sa mga biktima ng mga batas military. Kami po ay kasama sa mga taong napahirapan ng mga sundalo at may kapatid na namatay. Ang tulong na hihingiin naming sa inyo mapabilang sa mga taong na acknowledge ng HRV Claim BOARD. Lumapit kami sa kanilang opisina dito sa Cotabato City, ang katwiran nila ay mga pangalan lamang na ibinigay sa kanila galing Central Office ang kanilang iniinterview. Tumatawag at nagtitext kami sa mga numerong nakapaskil sa opis nila pero walang sagot kundi busy ang linya. Sa usaping ito ay kailangan na naming ang inyong tulong sa pamamagitan ng pag-eendorso ng aming mga pangalan at numero upang mabigyan nila ng pansin at kami ay kanilang mapagbigyan ng pagkakataon na mapabilang sa mga “martial law victims.” Kapag ang mga pangalan namin ay naibigay diyan sa office nila sa
Maynila maaaring ipatawag nila kami dito sa opis nila sa Cotabato City.
Ang inyo pong tulong ay labis naming pasasalamatan at habambuhay na tatanawing utang na loob.
Pwede ninyo kaming bigyan ng kasagutan sa inyong column sa Bandera. Araw-araw kaming bumibili.
Gumagalang at
Nagpapasalamat,
CABEBA MAMARINTA OMAR – 09368158925
GWAMADIN ABDUL SULKIMAN – 0926574369
ENOG ARSAD
ALI – 09066095638
REPLY: Para sa ating mga letter sender mula sa Cotabato City para sa inyong kahilingan na maisama ang inyong pangalan sa mga martial law victims ay kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang Aksyon Line sa Human Rights Victims’ Claims Board (HRVCB) para sa inyong hinaing at sa kaukulang beripikasyon.
Ang HRVCB ay inatasang magpamahagi ng may P10 bilyon kabuuang halaga mula sa ill- gotten wealth ni late President Ferdinand Marcos para sa mga biktima ng human rights violations noong panahon ng martial law
Salig na rin sa Republic Act 10368, ang sinumang indibidwal o kaanak ng mga ito na naging biktima ng pagpatay, pag-torture, illegal detention at iba pa na nakaranas ng pagpapahirap noong panahon ng pagpapairal ng martial law o batas militar ay makakatanggap ng kaukulang kompensasyon
Agad na ipapaalam ng Aksyon Line anuman ang magiging tugon ng HRVCB sa inyong kahilingan
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.