Rhian Ramos naniniwalang hindi kasalanan ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae o lalaki

RHIAN RAMOS

RHIAN RAMOS

NANINIWALA ang lead star ng tomboy serye na The Rich Man’s Daughter na si Rhian Ramos na hindi kasalanan ang pakikipagrelasyon sa kapwa babae o lalaki.

Sa isang panayam sa Inquirer Bandera, sinabi ng Kapuso actress na mas malaking kasalanan kung hindi naniniwala ang isang tao sa Diyos. Hindi rin raw tama na husgahan ang isang tao dahil siya’y bading o lesbian.

Sinabi pa ni Rhian na isa siyang Christian at marami siyang mga kaibigang tomboy at bading na maituturing niyang mga mabubuting tao. Sa katunayan, meron din siyang mga kakilalang homosexual na lagi niyang nakakasama sa kanilang simbahan.

Ayon pa kay Rhian, nagpapasalamat siya at mas marami na ngayong ang mas handang ilantad ang kanilang totoong kasarian dahil sa tema ng kanilang teleserye sa GMA 7 kung saan kasama rin niya ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro na gumaganap na lover niya sa kuwento.
Idinagdag ni Rhian na flattered din siya na mapuri ang kanyang pag-arte na orihinal na ibinigay sa buntis ngayon na si Marian Rivera.

Read more...