Daniel: Nakita ko na ang babaeng para sa akin!

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

Sa presscon din kahapon ng “Dreamboys” concert inulit ni Daniel Matsunaga na sinagot na siya ni Erich Gonzales. At sobrang saya niya raw nu’ng araw na maging official na ang kanilang relasyon.

“Yes, Erich is my girlfriend na. Kami na po. After na maging friends kami, now I can tell everybody na I found the right girl at the right time.”

Anyway, tiyak na iba’t ibang putahe ang ihahain nina Matteo, JC at Daniel sa kanilang kauna-unahang pagsabak sa concert scene. Siniguro ng tatlong hunks na mag-eenjoy ang kanilang fans and followers sa mga gagawin nilang production numbers.

In fairness, may boses naman talaga si Matteo at pwedeng-pwedeng isabak sa kantahan, sa katunayan magkakaroon na rin siya ng sariling album very, very soon. Kaya ang kailangan nating abangan ay ang mga pasabog na gagawin nina JC at Daniel sa stage.

Pero sa pagkakaalam namin, marami na rin ang excited sa “Dreamboys”, in fact, noong inilabas sa socia media ang poster ng nasabing musical event, napakarami agad ang nag-like at nag-retweet nito. Wala rin kaming nabasang negative comments mula sa netizens kaya siguradong maraming manonood dito.

Magiging special guest naman ng tatlong hunks sina KZ Tandingan at Erich Gonzales. Ang “Dreamboys: A back to back to back triple-threat concert” ay sa produksiyon ng Hills & Dreams Events Concepts Co. at mapapanood na sa July 11, sa Music Museum.
For inquiries, call kayo sa Ticketworld (891-9999) at sa Music Museum (721-0635). Si Marvin Querido ang musical director at sa over-all direction ni Frank Lloyd Mamaril.

Read more...