Teleserye nina Daniel at Kathryn inireklamo sa MTRCB

PILAR PILAPIL AT IAN VENERACION

PILAR PILAPIL AT IAN VENERACION

“Kung pampalipas libog lang ‘yan, that’s okay. Go ahead!”

‘Yan ang nakakalokang dayalog ng character ni Ms. Pilar Pilapil sa Pangako Sa ‘Yo na naging dahilan upang ipatawag ng MTRCB ang mga namumuno sa show for a “mandatory conference.”

Ms. Pilapil uttered that line sa eksena nila ni Ian Veneracion at hindi iyon nakalusot sa MTRCB.

Ayon sa sulat ng MTRCB sa ABS-CBN, “The above-quoted strong language in regard to sex and the insinuation that it is okay to use a woman for the mere purpose of satisfying one’s fleshly desires even if he is already engaged to marry another woman, are obviously meant for a mature audience.

“The scene, if left unexplained, also cuts into the dignity of the woman and the integrity of an impending marriage—which is a protected institution.”

Nagtataka lang kami, bakit naipalabas ang episode na ‘yon na may ganoong dayalog? Hindi ba pini-preview ng taga-MTRCB ang taped episode ng mga soap opera? Bakit at paano nakalusot iyon?

Hindi namin inisip na nagpapakontrobersiyal ang soap opera para mapansin dahil pansin na pansin na naman sila, palagi silang nagte-trending at ang taas ng ratings nila.

One more thing, why would Ms. Pilapil allow herself to utter that word (libog) without asking kung papasa iyon sa MTRCB? Did she hesitated at first o talagang pinabayaan na lang niya ang dayalog na ‘yon na masunod?

We remember our conversations with Mia Gutierrez years back. She was doing a movie and her character suddenly disappeared.

She was asking kung ano na ang nangyari sa kanyang character.

That’s a thinking actress. Dapat alam niya ang character niya.

Read more...