Inamin naman ito ni Mariel ng makatsikahan namin siya, “Yes, ito nga ‘yun, pero hindi nga natuloy at hindi rin nagkaayos na kasi at that time umalis ako.”
At ngayong nasa TV5 na si Mariel ay imposible na raw silang magkasama ni Robin kaya naisip niyang magtayo ng web show na may titulong LOL (Love On Line) na mapapanood na sa www.ustream.tv/channel/pinoyrealtv) na magu-umpisa na bukas.
“Itong first episode is all about pa lang, and actually, hindi ko pa alam what exactly ang ilalagay nila, basta lahat ng travels, lahat ng ginagawa naming pagtulong documented lahat at mapapanood ito on line,” paliwanag ni Mariel.“In this modern world of exclusive dating and living in,
I suggest taking the plunge when you know it is love. That’s what I did and everyday I’m living that life.
This is my new life, being the wife of an action superstar, the wife of a Muslim.
My new web show is about our differences, our similarities, our everyday life, and our journey together.
The show reflects the world as I see it. And my world is Robin,” dagdag pa ni Mariel.
At naikuwento pa ni Mariel na ipapakita rin sa LOL ang mga nangyari noon sa backstage ng Wowowee kung saan una silang nagkakilala ni Robin.
“Hindi ko lang alam kung saan part ‘yun ipapakita na may mga footages na talagang nagpapabango ako bago lumabas (dressing room), ang landi-landi ko. Ha-hahaha! Ang arte ko!” natatawang kuwento pa ni Mrs. Robinhood C. Padilla.
At dahil sa bibig na rin ni Mariel nanggaling ang terminong “ang landi-landi” niya ay tinanong namin kung love at first sight ba ang nangyari sa kanila ni Robin?
“Ay hindi, ano siguro na-develop lang ako. Kasi ako ugali ang tinitingnan ko.
Ang nagustuhan ko talaga kay Robin ay ‘yung pakikisama niya sa mga tao.
Kasi di ba genuine siya sa mga tao,” sabi ng TV host.
Mabait at generous si Mariel at marami rin kaming alam na natutulungan niya pero hindi na niya ito ipinapasulat pa, pero mas marami pa pala siyang natutunan kay Robin simula nu’ng naging mag-asawa sila.
“Makatao siya, makatao rin naman ako, kaya lang feeling ko parang mababaw lang, like hindi pa ganu’n kalalim in terms of reaching out to people.
Wala pa pala ‘yun sa ginagawa ni Robin.
Saka kung ano talaga ang nangyayari ngayon sa Pilipinas.
“Like sa mga taong nagpapa-picture, pag hindi niya napagbigyan kasi minsan minamadali na siya, dala-dala niya ‘yun kasi hindi raw niya napagbigyan ‘yung tao, nahihiya at naaawa siya.
Kasi hindi raw tama ‘yun, hindi lang sa tulong na material na ibinibigay niya.
“Like for example nagagalit tayo minsan sa ibang tao kasi minsan ganito o ganyan, ie-explain sa akin ni Robin na, ‘Wag kang magalit kasi siya hindi siya nakapag-aral tulad ng sa ‘yo, ‘yung mga ganu’n bagay.
Mga maliliit na bagay na halos hindi na nga napapansin ng ibang tao, feeling ko mas naging mas mabuti akong tao ngayon,” pagtatapat ni Mariel.
Maging sa mga personal niyang gamit ay bawas na rin hindi raw tulad dati na bili rito at bili roon, “Dati, kasi okay lang ako sa paggastos, give rito, give roon, ngayon, alam ko na lahat paano maging tamang gastos lalo na ngayong may asawa na ako, alam ko na paano magtipid.
“At ngayon, sobrang iniisip ko at kina-calculate ko muna kung tama ang gastos, kung magkano ba ang tamang labas ng pera. Like, (Robin) he doesn’t give me money, so I budget all the expenses in the house on my own, like groceries, ako lahat, dati gamit ko lang binibili ko, now para sa lahat na,” kuwento pa ni Mariel.
Bukas na ipalalabas ang Love On Line kasabay ng second wedding anniversary nila ni Robin na dalawang taon na ang nakararaan buhat nang ikasal sila sa India.