JOHN LLOYD, ANGELICA ‘nagtikiman’ lang daw, pero biglang na-in love

Nagsimula lang daw ang lahat sa isang pustahan

WALA nang pakialam si Shaina Magdayao kung magdyowa na nga sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

Marami ang nangungulit sa aktres na magsalita o mag-comment tungkol sa kontrobersiyal na relasyon ng kanyang ex-boyfriend at ng kanyang dating kaibigan.

Pero mukhang hindi na nga interesado si Shaina sa issue.

Ayon sa ating source, totoong ayaw na muna nitong makita o makausap sina Lloydie at Shaina pero unti-unti na raw nakaka-move on ang aktres.

Sa ngayon, wala pa rin daw bagong boyfriend si Shaina, pero hindi naman daw umabot ang pagkakaroon niya ng trauma sa lalaki sa pagkakaroon muli ng lovelife, “We’re always grateful dahil lahat naman ito nangyayari for a reason.”

“I am really blessed by God. Sobra lang talaga lahat ng nangyayri sa buhay.

Hindi ako nawalan ng faith sa Panginoon at kahit ano pang nangyari before, I’m never bitter about life.

And I always think things happen for a reason, so it must be His perfect plan,” ayon pa sa isang interview ni Shaina sa Push.com ng ABS-CBN.

Sa tanong kung handa na ba siyang magmahla uli, “Ayoko na muna.

I’m very much enjoying, so ganu’n muna tayo, relax lang.

Saka na ang lovelife, darating at darating naman ‘yan kung meron.”

Masaya rin si Shaina ngayon, at ang buong staff ng afternoon teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo sa ABS-CBN dahil extended na naman ang programa.

Dapat daw ay matagal na itong tapos pero na-extend na nang na-extend dahil sa napakagandang rating ng serye.

“Sa lahat ng bagay na ginagawa ng artista siguro mas nakakagana kapag naa-appreciate ng mga tao, and definitely ‘yung response na natatanggap namin, ‘yung lahat ng appreciation nila, eh, definitely naa-appreciate din namin so the more kaming ginaganahan magtrabaho.

“And definitely I’m very thankful that we have a good director, good writers, ang aking leading man (Jake Cuenca) kawawa naman na ilang beses kong sinasampal at si Bangs (Garcia) na kawawa silang dalawa pero they’re also very passionate sa trabaho, kaya masarap umarte kasama nila,” chika pa ni Shaina.

Uy, pahabol lang, totoo nga kaya ang nasagap naming baltia na hindi naman daw talaga type ni John Lloyd si Angelica?

Parang gusto lang daw nitong “tikman” ang sexy actress at balak ding iwanan tulad ng mga ginawa niya sa kanyang past girlfriends?

At true rin kaya ang chika na nagsimula lang ang lahat sa isang challenge?

Naku, mukhang hindi na nga maganda ang image ni Lloydie pagdating sa girls, no! O, baka naman ganu’n din si Angelica, like niya lang ding tikman si John Lloyd?

Read more...