Nancy Binay: Tamaan man ako ng kidlat, walang kinalaman ang tatay ko sa pag-atake kay Poe

nancy binay

IGINIIT  ni Sen. Nancy Binay na walang kinalaman ang kanyang amang si Vice President Jejomar Binay sa mga pag-atake kay Sen. Grace Poe.

“Talagang wala syang alam. Tamaan na ako ng kidlat ngayon,” sabi Poe.

Idinagdag ni Sen. Binay na si Navotas Rep. Toby Tiangco, na siya ring interim president ng United Nationalist Alliance (UNA), ang siyang kumuwestiyon sa kwalipikasyon ni Poe para makatakbo sa 2016 dahil umano sa kanyang residency issue.

“Kasi di ba if you go dun sa mga statements ni Senator Grace parang may mga patama sya…” dagdag ni Binay.

Idinagdag ni Binay na bagamat wala namang alitan sapagitan ni Poe at mga Binay, kailangan munang pahupain ang sitwasyon matapos ang nangyaring palitan ng mga maaanghang na salita ng magkabilang kampo.

“Kung babalikan natin, my father was willing to die for FPJ so bakit naman yung mga ganitong issue e isasara namin ang pinto?” aniya.

Ikinampanya ni Binay si yumaong dating aktor Fernando Poe, Jr. noong 2004.

“Hindi namin iniwanan ang pamilya nila during those times so bakit kelangang magkaroon ng pagsasara ng mga pinto,” giit pa ni Binay.

Read more...