Malakas na pag-ulan naranasan sa MM, kalapit ng mga probinsiya

ulan69
NARANASAN ang napakalakas na pag-ulan sa Metro Manila at iba pang karatig na mga probinsiya sa Luzon kahapon ng hapon.
Nagpalabas ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ng thunderstorm advisory sa Metro Manila (San Juan, Maynila, bahagi ng Quezon City) at Quezon Province (Lucena), Bataan (Morong at Bagac), gayundin ang ilang bahagi ng Rizal, Batangas, Cavite, Zambales, Bulacan at Laguna ganap na alas-2:31 ng hapon.

Naranasan naman ang mga pagbaha sa Metro Manila dahil sa naranasang matinding pag-ulan.

Read more...