Melai gusto nang magpabuntis uli kay Jason, pero…

melai cantiveros

Kung si Melai Cantiveros ang masusunod, gusto na niyang sundan ang panganay nila ni Jason Francisco. Pero aniya, kailangang mapuno raw muna ang bank book nila para masiguro ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Pangarap din ni Melai na makapagpatayo na ng kanilang dream house, kaya sana raw pagkatapos ng Your Face Sounds Familiar ay masimulan na nila ito ni Jason.

“We are asking for (our) new house na sana maging successful (ang pagpapatayo). Soon. Nasa step one pa lang kami. Dito sa Maynila (itatayo),” ani Melai sa interview ng ABS-CBN.

“Actually, ako wala na talaga akong mahihiling pa kung hindi good health lang sa family ko at safetiness lang. Sobrang thankful ako na ‘yung family ko ay maayos, ‘yung anak ko, may work ako, si Jason may work.

Sa family ko, wala na akong mahihiling pa. I’m so contented,” chika pa ng komedyana. Pero sabi ni Melai, baka raw two years pa ang palipasin nila ni Jason bago gumawa uli ng baby, “Actually hindi pa puno ang kanyang savings.

Iyan ang lagi naming sinasabi na mag-asawa – ang target namin ay mapuno. Okay nang sundan, pero ngayon wala pa, hindi pa. “Kasi hindi naman pwede tagalan din kasi ayaw kong ma-spoiled si Mela.

Kailangan ding sundan para maging ate na siya, responsable siya para maging ate,” aniya pa. Samantala, ngayong gabi na malalaman kung sino ang magiging kauna-unahang grand winner sa Your Face Sounds Familiar at sigurado kaming lumaban nang sabayan si Melai kina Jay-R, Nyoy Volante at Edgar Allan Guzman.

Read more...