Megan, Tom tatapatan ang kaseksihan nina Marian at Dingdong sa Mari Mar

megan young

NGAYON pa lang ay pinaghahandaan na ni Miss World 2013 Megan Young ang pagbibida sa bagong version ng Mexicanovelang Mari Mar na mapapanood na very soon sa GMA.

Simula nga nang i-announce ng Kapuso Network na magkakaroon na ng remake ang Mari Mar, marami ang excited malaman kung sino ang gaganap bilang bagong Mari Mar at Sergio Santibanez na ginampanan noon ng Kapuso Primetime King and Queen, Dingdong Dantes at Marian Rivera.

At kamakailan nga ay kinumpirma na ng mga bossing ng GMA na si Megan ang napili ng network para gampanan ang iconic character na Mari Mar.

Makakatambal niya rito ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez na siyang gaganap bilang Sergio. Siguradong magiging kaabang-abang din ang magiging twists and turns ng istorya na maaaring magbukas ng pinto para sa mga bagong karakter.

Pero siyempre, isa pa sa mga aabangang karakter sa seryeng ito ay ang yaya/kasambahay na si Corazon na ginampanan noon ni Manilyn Reynes. Sino nga kaya ang magiging Corazon sa bagong Mari Mar?

Samantala, mixed emotions naman ang nadarama nina Megan at Tom, bagamat sobrang saya nila sa bagong blessing na dumating sa carrer nila, kaakibat naman nito ang pressure upang pagbutihin ang kanilang pag-arte para sa ikagaganda ng remake ng nasabing programa.

Siyempre, hindi maiiwasan na pagkumparahin sila kina Marian at Dingdong na talagang ibinigay ang lahat para maging matagumpay ang Mari Mar.

Maging palaban din kaya sa pagpapaseksi si Megan tulad ng ginawa noon ni Marian? At posible rin kayang sila ang magkatuluyan sa huli tulad ng nangyari kina Dong at Yan sa tunay na buhay? Ha-hahaha! Intrigahin ba agad!?

Anyway, sinu-sino pa kaya ang makakasama sa Mari Mar remake? ‘Yan ang ating abangan!

Read more...