As usual kung kailan naghiwalay na saka umamin ang Kapuso actress na si LJ Reyes na naging sila nga ni JC de Vera.
Ayon kay LJ, totoong break na sila ni JC pero tumanggi itong magdetalye pa tungkol sa mga rason ng kanilang paghihiwalay.
“Siguro gusto rin (ni God) na buong-buo ako. Gusto niya na I’m really strong enough to handle a relationship kapag pumasok na ako sa isang relationship.
“Siyempre, gusto ko rin naman ‘yung relationship ko with God, it’s at its best bago ako magmahal pa ng ibang tao,” pahayag ni LJ sa interview ng 24 Oras.
Kung matatandaan, inamin naman ni JC na nagde-date sila ni LJ pero hindi nito sinabi na magdyowa na sila ng aktres. Puro paiwas at bitin ang sagot noon ng dalawa kapag tinatanong kung magdyowa na sila.
Pero ngayong naghiwalay na, saka aamin na naging sila. Puro panlalait at pang-ookray naman ang nabasa naming reaksiyon ng mga netizens tungkol sa pag-amin ni LJ.
Ayon sa isang basher, sana raw ay nanahimik na lang si LJ at hindi na nagsalita pa tungkol sa break-up dahil nagmukha lang daw siyang kaawa-awa at katawa-tawa.
“Ngayon pa siya aamin kung kailan hindi na sila pinag-uusapan? Itong mga artistang ‘to talaga, ang gagaling manloko, kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya sumisikat dahil puro sila mga sinungaling!” galit na galit na sabi pa ng isang basher.