I WAS in good hands after all when I was operated on my right leg last May 10 at the Delos Santos Hospital. I realized that much during my second check-up with my cardio doctor Dr. Frederick Gabriel last Monday.
Actually, second check-up ko rin kay Dr. John Hubert Pua that morning. Nagpunta ako sa clinic niya sa fifth floor ng Delos Santos Hospital around 11 ng umaga.
“Okay, puwede na nating tanggalin ang mga tahi nito. You are healing well. Nagdugo nga lang noong Thursday,” ani Dr. Pua referring to the fact na nagkaroon ng bleeding ang aking sugat noong May 28 ng madaling araw.
Nagising kasi ako bandang 2 a.m. dahil sa ‘call of nature.’ Dahil sa pupungas-pungas pa ako, nagka-umpog-umpog ang aking right leg. Hayun, pagbalik ko sa kwarto, hindi na maampat ng misis ko ang pagdudugo.
Ilang beses niyang pinalitan ang benda pero patuloy ang pagdurugo. Finally, mga bandang 4 a.m., sinabi ko sa kanya na baka mabuti pang pumunta na kami sa Delos Santos para doon na ipagamot sa emergency section.
Mabuti na lang ay nagdesisyon ako ng ganun. Pagdating namin sa emergency section, sobra na ang tulo ng dugo buhat sa right leg ko. Nakakatakot na.
Binigyan ako ng first aid. Binalutan ang aking right leg. At tinawag ang resident doctor na si Dr. Puzon. Siya na ang tumingin sa aking sugat. “Gusto mo bang magpa-confine para masuri nating mabuti?”
“Huwag na doc. Bigyan mo na lang ako ng pain relievers. Kasi parang hindi tumatalab ‘yung pain reliever na ininom ko,” sabi ko. Actually, ginising ni Dr. Puzon si Dr. Pua at tinanong kung ano ang talagang dapat gawin sa akin.
Finally, pinainom ako ng dalawang pain relievers at sinaksakan ng ineksyon. “Hintayin mo na lang mag-take effect lahat iyan bago ka umuwi,” aniya.
At nakauwi naman ako nang hindi na nagdudugo ang aking right leg. Fast forward to Monday sa check-up namin kay Dr. Pua. “Hindi ko pa matanggal lahat ng tahi kasi hindi puwede dito sa bandang nagdugo. Come back on the 15th at maayos na lahat iyan,” aniya.
Matapos ang check-up ay kumain na lang kami ng misis ko’t bunso ko sa canteen ng Delos Santos at nagbalik sa clinic naman ni Dr. Gabriel. Hinintay na lang namin siya kasi 3 to 5 pa ang kanyang schedule.
Si Dr. Gabriel kasi ang nagrereseta ng lahat ng gamot na iinumin ko. Aniya nang magkita kami, “Kelan ang next check-up ninyo ni Dr. Pua?” Nang sinabi kong sa 15th ay isinabay na rin niya ang susunod naming check-up sabay sabing, “Alam mo bang si Dr. Pua ang cum laude namin sa batch namin? Magaling ‘yun?” Ganun? Matindi pala pumutol sa paa ko ha! I was in good hands after all. Anong year kayo at saang school. Sino pa ka-batch ninyo?
“2005 sa UST. Ka-batch namin si Hayden” Actually, naikuwento ko kay Tito Talao ng Tempo ang conversation namin ni Dr. Gabriel at nasabi ko ngang matindi pala ang doctor ko dahil cum laude. Ani Tito, “Magaling pala sa cutting classes!” “Cum laude nga e, paanong lakwatsero?” “CUTTING classes! CUTTING!” “Oo nga! Gets ko!”