Horoscope, June 06, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Punuin ng pag-ibig ang bawat araw. Upang lalo kang umunlad at suwertehin mahalin pang lalo ang mga taong nagbibigay sayo ng salapi. Sa pag-ibig laging magpasalamat sa maligayang love life na nakamit. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Om.” Red at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Walang mangyayari sa lipunan at sa barkada. Mag-concentrate sa pagiipon ng salapi para sa kinabukasan ng pamilya. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyo. Mapalad ang 3, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Govinda-Arjuna”. Gray at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang lumigaya at umunlad pang lalo ang kabuhayan pairalin ang ugaling materyoso at mapag-mahal sa salapi. Sa pag-ibig, upang mapanatili ang masaya at masarap na relasyon mahalin ng husto ang kasuyong Scorpio. Mapalad ang 6, 11, 30, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Aum-Bhuvah.” Maroon at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Tumatanda ka na! Paghandaan ang sariling future, panahon na upang mag-invest sa isang negosyong sure ang kita. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyo, sa panahon ng pagtanda siya na lang ang tangi mong maasahan at makakasama. Mapalad ang 5, 12, 21, 30, 47 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Mitra-Om”. Red at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Iwasang mag-reklamo upang ang magandang kapalarang ay hindi mapurnada. Tumango-tango ka lang hangga’t nagkakapera. Sa pag-ibig, wag ng tanggihan ang kasuyo, bumigay ka lang ng bumigay, para masaya. Mapalad ang 2, 11, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Violet at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Init ang elemento ng Leo. Higit kang magiging mapalad kung magpapatuloy ang maalinsangan at mainit na panahon. Sa pag-ibig, mapupurnada na naman ang pakikipagkita sa minamahal. Panataliin ang ugaling pasensiyosa upang wag pumangit ang kapalaran. Mapalad ang 4, 10, 19, 27, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Maging maingat sa pagpili ng kososyo, baka maloko ka na naman – iwasang makipagtransaksyon sa isang Leo. Sa pag-ibig suwetong-suweto sa iyong kapalaran ang isang Taurus, upang makamit ang isang maligayang relasyon. Mapalad ang 3, 14, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Silver at red ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Bago makialam sa iba, pagbutihin mo muna ang sariling buhay. Magsikap pang lalo upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, pahalagahan ang pagsisikap na ginagawa ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 17, 29, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Arjuna-Om”. Purple at lilac ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasang maging malihim. Panahon na upang ibahagi sa minamahal ang mabibigat na problema. Sa pinanasyal, hindi magtatagal mabibisto rin ang mga sikretong transaksyon – mag-ingat! Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Githa-Bhagava”. Red at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang “Mamamana” o “The Archer” ay hindi dapat tumitingin sa likuran – yan ang iyong simbolo The Archer. Wag ng balikan pa ang nakaraan, upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad at ang kaligayahan, ituon ang isipan sa future. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gorocha-Sandapha-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Magtatagumpay sa negosyo kung hindi hahaluan ng emosyon. Tandang pera-pera lang ang labanan. Sa pag-ibig, kailangang makaisip ng paraan, upang makatulong ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Mapalad ang 7, 18, 23, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Violet at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag maniwala sa mga tsismis. Imbis na makinig sa mga utsusera at utsusero, mas mainam na pagbutihin ang pagnenegosyo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong paniwalaan – ang kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 8, 23, 32, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haram-Haram-Aum”. Blue at orange ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Sa pagpili ng mamahalin dalawang bagay lang ang dapat isaalang-alang. Ang ugali, sapagkat ang kabaitan ay hindi kumukupas. At pangalawa dapat pahalagahan ay ang dami ng salapi. Kailangang mayaman ang iyong makatuluyan upang maging instant yaman ka rin. Mapalad ang 2, 7, 15, 25, 31, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Green at lilac ang buenas.

Read more...