Ruffa gustong maging Charo Santos: Yan ang peg!

ruffa gutierrez

Kung may isang taong hinahangaan at gustong gayahin si Ruffa Gutierrez, yan ay walang iba kundi ang award-winning actress at ngayo’y presidente na nga ng ABS-CBN na si Charo Santos.

Sa interview ng programang Headstart sa ANC, sinabi ni Ruffa na kaya raw very visible pa rin siya sa showbiz hanggang ngayon ay dahil sa dedikasyon at sipag niya sa trabaho.

“I don’t think I’ll ever be laos,” ang diretso pang pahayag ni Ruffa sa nasabing panayam. “If you think you’re ‘laos’ the you’re ‘laos’. For me you have to know when you have to ‘graduate’.

You shouldn’t stay stagnant. I love learning. I’m open to new things,” dagdag pa niya. Aniya, gusto niyang sundan ang mga yapak ni Charo Santos, “She was my mom in ‘Island of Desire’, a film I did with my dad. Now she runs ABS. ‘Yan ang peg!”

Read more...