Lovi ipinagtanggol si Sen. Grace: Huwag n’yo po siyang husgahan!

lovi poe

WALANG karapatan ang kahit sino na husgahan ang pagkatao ng ate niyang si Sen. Grace Poe.

Iyan ang ginawang pagtatanggol ng Kapuso actress na si Lovi Poe sa kapatid na senadora sa gitna ng mga isyung ibinabato rito, partikular na ang pagkuwestiyon sa legalidad ng pagtakbo nito bilang pangulo sa 2016 presidential elections.

Sey ni Lovi, naniniwala siya na pwedeng-pwedeng tumakbong presidente ang kapatid niya kahit pa nga ampon lang ito ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr..

Hindi rin daw tama na kuwestiyunin ang kanyang pagiging Pinoy nang dahil lang sa siya’y ampon.”People should not judge her because of that or say anything because of that. A lot of people can relate to her situation hindi ba?

“Dapat walang magsalita ng ganoon sa kapwa natin. Some people will throw rocks and stones at someone who’s doing very well,” pahayag ni Lovi sa interview ng ABS-CBN.

Dugtong pa nito, “Today, she is my sister and at the end of the day she’s a Poe.” Nauna rito, sinabi ni Lovi na handa siyang suportahan si Sen. Grace sakaling magdesisyon itong tumakbong presidente sa 2016.

Naniniwala raw siya na isa ang kanyang ate sa mga public servants na may puso para sa mga Pinoy.

 

Read more...